Pasig River - Quadalupe |
In the Philippines specifically in Metro Manila, one of the the environmental problem we are facing is the polluted Pasig River. As we look at the Pasig River, we could see the intensity of the destruction we brought to our environment.
Ilog ng Basura |
Sa pag-sakay mo ng MRT galing Taft papuntang Quadalupe station masisilayan mo ang Pasig River sa may Quadalupe bridge sa EDSA. Kung mapapansin mo napakaitim ng tubig nito at puno ito mga water lilies. Hindi magandang pangitain ito sapagkat hindi ito ang dating Pasig River na kinalakihan ng mga ninuno natin. Sabi nila na napakalinis ng Pasig River nung mga panahon nila. Klarong-klaro ang tubig at kulay asul pa ito. Ngunit ano ang nangyari? Sa paglipas ng panahon, nawala ang tunay na ganda ng Pasig River. Hindi na inalagaan at naprotektahan dahil sa kapabayaan natin. Ang resulta, hindi na ito maituturing na Ilog Pasig sapagkat puno na ito ng basura at wala ng mga isda ang pwedeng mabuhay dito. Hindi na maituturing na Ilog Pasig ang ilog na ito. Isa rin sa mga problema dito ang mga nakatira sa sa tabi ng Ilog Pasig dahil sila ang taga-tapon ng basura sa ilog. Hindi ko malilimutan ang aking napanood sa telebisyon ng sinubukang lusungin ni Kuya Kim Atienza ang Ilog Pasig. Ang dami niyang nakitang ibat ibang basura doon at ang masama pa doon nakakita siya ng diaper ng bata doon marahil nga doon na rin dumudumi ang mga taong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig. Napansin din niya na parang kumukulo ang tubig na hindi naman dapat. Parang wala namang pakialam ang gobyerno sa Ilog Pasig. OO, merong mga truck na kumukuha ng mga basura sa Ilog Pasig, ngunit hindi ito sapat dahil mas marami ang NAGTATAPON sa NAGLILINIS. Kailangan talaga ng DISIPLINA at kaayusan kung gusto nating malinis ang Ilog Pasig dahil ang Ilog Pasig sa akin ay nag sisimbolo ng PAGASA na kung malinis man ito at naibalik sa dati, nangangahulugan lang ito na kayang pa natin isalba ang mundo sa kapamahakan.
Naniniwala ako na kaya nating ibalik ang Ilog Pasig sa dati........
Future Pasig River |
No comments:
Post a Comment