Ano ang kaya kong gawin para sa kalikasan?
Nakakalungkot mang isipin ngunit kahit isang munting bagay lang ay hindi ko maibigay o magawa para makatulong sa pagsagip sa ating kalikasan. Sa pagka-mulat ko sa katotohanan, napakalaki na talaga ang nagawa nating pinsala sa ating kapaligiran. Nasanay na ang aking mga mata na makakita ng basura sa paligid, pakalat-kalat at palutang-lutang sa ilog at dagat. Napapaisip tuloy ako kung baket wala akong ganang gumawa ng hakbang para man lang makatulong o sadya kayang nakasanayang ko ng mabuhay kasama ang mga basura. Ano ba talaga ang kaya kong gawin para sa kalikasan?
Hindi ko lubos maisip bakit kaya ang kitid ng mga utak ng mga tao sa henerasyon na ito. Sinasabi nila na kailangan mong maging edukado para alam mo ang nangyayari sa paligid mo ngunit edukado ka man o hindi kung makikita mo lang kung gaano kadumi at kaitim ang tubig ng Ilog Pasig mapapaisip ka na lang kung bakit nadungisan ang dating malinis at puno ng buhay ang ilog na ito.
Gusto ko ng pagbabago at sisimulan ko ito sa aking sarili.
Iniwasan ko ng gumamit ng mga styrofoam, karton at plastic kapag ako ay kumakain kasi sa aking palagay kung pakunti-kunti tayong umiwas sa pag-gamit nitong mga styrofoam, karton at plastic maaari nating mabawasan ang mga basurang itinatapon lamang sa ating kalikasan. Kaya sa aking munting tulong para sa kalikasan kumakain ako sa mga carenderia na hindi gumamit ng ganitong mga bagay. Binawasbasan ko na rin ang pag gamit ng kuryente sa bahay. Hindi ako basta-basta nagtatapon ng basura sa aking kapaligiran. Kung may basura man ako, naghahanap ako ng tamang tapunan.
Marami pa akong hindi nagagawa para sa kalikasan, ngunit alam ko sa maliit na bagay na ito alam kong kung maraming tao ang gagawa nito malaking pagbabago ang magagawa natin para sa mundo.